^

PM Sports

2015 World 9-ball championship Nalaglag ang mga Pinoy

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalimang sunod na taon ay hindi uli nagbunga ang paglahok ng Pilipinas sa World 9-Ball Championship nang walang pinalad na umabante sa semifinals sa edisyon na ginagawa sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Si Dennis Orcollo ay nanalo kina Hunter Lombardo ng USA, 11-7 sa Last 32 at kay Darren Appleton ng Great Britain, 11-2 sa Last 16.

Pero sa laban sa quarterfinals kontra kay Shane Van Boening ng USA ay nawala ang suwerte sa sargo ng kasalukuyang World 8-Ball champion at SEA Games gold medalist para lasapin ang 1-11 pagkatalo upang matapos ang kampanya ng mga Pinoy sa torneo.

Si Warren Kiamco na pumasok sa Last 16 ay yumuko rin kay Ko Pin-yi ng Chinese Taipei, 9-11. Siya ang ikalawang sunod na Filipino cue-artist na pinagpahinga ni Ko matapos ang 11-4 panalo kontra kay Carlo Biado.

Si Oliver Medenilla ay nasibak sa Last 32 laban kay Chang Yu Lung ng Taipei, 4-11.

Ang World 9-Ball Championship ay binigyan ng buhay noong 1990 at ang Pilipinas ay may tatlong world champions sa katauhan nina Efren “Bata” Reyes noong 1999, Ronato Alcano  noong 2006 at Francisco “Django” Bustamante noong 2010 na siyang huling pagkakataon na may tini-ngalang bilyarista ng bansa sa nasabing torneo.

Umabot sa Finals si Alcano at Antonio Gabica pero natalo sila kina Yukio Akagariyama ng Japan at Thorsten Hohmann noong 2011 at 2013 edisyon.

Ang semifinals at finals ay pinaglabanan kahapon at ang lalabas na kampeon ay alinman sa magkapatid na Ko Pin-yi at Ko Pin-chung ng Taipei, Boening at Wu Jia Qing ng China.

vuukle comment

AL ARABI SPORTS CLUB

ANG

ANG WORLD

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP

CARLO BIADO

CHANG YU LUNG

CHINESE TAIPEI

DARREN APPLETON

GREAT BRITAIN

KO PIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with