Petron Blaze Spikers nahirapan sa China
PHU LY, Vietnam -- Tinapos ng Petron Blaze Spikers ang kanilang pool play sa pamamagitan ng 14-25, 16-25, 20-25 kabiguan sa Zhejiang ng China sa 2015 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship noong Miyerkules ng gabi dito sa Ha Nam Competition Hall.
Ginamit ng Zhejiang, nagkampeon sa nakaraang Chinese Volleyball League, ang kanilang tangkad at lakas para gibain ang Blaze Spikers sa loob ng isang oras at dalawang minuto upang manatiling walang talo sa torneong nagsisilbing qualifier para sa 2016 FIVB World Women’s Club Volleyball Championship.
Pumasok ang Chinese sa quarterfinals bilang No. 1 team sa Pool B kasama ang Taiwan Power, hindi rin natalo sa Pool A. Nakatakda namang labanan ng Blaze Spikers, may 1-3 record ang Taiwanese sa knockout quarterfinals ngayon.
Ibinandera ang ilang national team members, kaagad na kinuha ng Zhejiang ang 7-1 abante sa first set para iparamdam sa Blaze Spikers ang kanilang dominasyon.
Tumapos si Dindin Manabat na may 11 kills at 2 aces para sa kanyang 14 points sa panig ng Petron.
Nagtala naman si Brazilian import Rupia Inck Furtado ng 7 hits, habang may pinagsamang 8 points sina Frances Molino, Rachel Anne Daquis at Aby Maraño.
- Latest