Title defense sa PCA Open sinimulan na ni Tierro
MANILA, Philippines - Pinakitaan ni PJ Tierro si Renz Lapating, 8-3 kahapon sa pagsisimula ng kanyang kampanya para sa back-to-back title sa 34th Philippine Columbian Association Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event sa PCA’s Plaza Dilao claycourts sa Paco, Manila.
Ang panalo ay nagtakda ng pagharap ng 30-gulang na si Tierro sa isa pang ‘di kilalang si Ken Phillip Pardela na nanalo kay Francis Segumpan, 8-5.
“It’s going to be another tough campaign but I’m confident of my chances,” sabi ni Tierro, tangka ang isa sa dalawang slots sa second leg ng 2015 Manila International Tennis Federation’s Men’s Futures sa Oct. 2. “The court is slower compared to the old one, I’m still getting used to it,” sabi pa ni Tierro.
Bukod sa cash prizes, nakataya sa torneong ito ang slots sa qualifying round sa ITF-sanctioned event sa mga semifinalists at quarterfinalists.
Sasalang naman ngayon ang tinalo ni Tierro noong nakaraang taon para sa titulo na si Johnny Arcilla, dating world juniors standout Francisco Casey Alcantara at ITF junior campaigner AJ Lim.
- Latest