^

PM Sports

Tierro mabigat ang laban sa pagdedepensa ng titulo sa PCA Open

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipagtatanggol ni Patrick John Tierro ang kanyang titulo sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event ngayon sa kakaayos lamang na PCA Open clay courts sa Paco, Manila.

Inaasahang mabigat na hamon ang haharapin ng 30-gulang na si Tierro sa men’s singles division dahil mapapalaban siya kontra kina eight-time titlist Johnny Arcilla at da-ting Australian Open juniors champ Francis Casey Alcantara.

Nakataya sa torneo ang automatic slots sa 2015 Manila International Tennis Federation (ITF) Men’s Futures Leg 2 kaya inaasahang magi-ging mahigpitan ang labanan sa men’s division.

Ang dalawang finalists sa men’s singles class ang papasok sa main draw habang ang mga makakakarating sa quarterfinals at semifinals ay papasok sa quali-fying stage  sa paglarga ng ITF event sa October 2 sa PCA courts din.

Sa doubles division, ang mananalong team lamang ang mabibigyan ng slot sa 16-pair main draw ng ITF event.

Inaasahang magpapamalas din ng galing sina veteran players Alberto Lim Jr. Elbert Anasta, Kyle Joshua Dandan, Marc Reyes, Jurence Mendoza at Jeson Patrombon para makakuha ng slot sa ITF Men’s Futures Leg 2.

Ang ladies singles na magsisimula sa Sept. 22  ay free-for-all dahil wala si four-time champion Marian Jade Capadocia para magdepensa ng kanyang titulo kaya ang  Patrimonio sisters  na sina Anna Christine at Anna Clarice  ay may pagkakataong mahawakan ang titulo na naging mailap sa kanila laban kina Khim Iglupas, Roxanne Resma, Edilyn Balanga, Marinel Rudas, Mae Siso, Hannah Espinosa, Maia Balce at Erika Manduriao.

ALBERTO LIM JR. ELBERT ANASTA

ANG

ANNA CHRISTINE

ANNA CLARICE

AUSTRALIAN OPEN

EDILYN BALANGA

ERIKA MANDURIAO

FRANCIS CASEY ALCANTARA

FUTURES LEG

HANNAH ESPINOSA

INAASAHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with