^

PM Sports

Biado, Kiamco pasok sa Last 32

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinalos nina Carlo Biado at Warren Kiamco ang mga kababayang sina Lee Van Corteza at Raymund Faraon para makapasok na sa Last 32 sa pagsisimula kahapon ng Knockout round sa 2015 World 9-ball Championship sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Race-to-11 at alternate break ang format sa Last 64 at nasa magandang kon-disyon ang dating World number one player na si Biado nang angkinin ang 11-5 panalo kay Corteza para itakda ang pagtutuos nila ng dating World Junior champion na si Ko Pin-yi ng Chinese Taipei na nagwagi kay Justin Campbell ng Australia, 11-7.

Kinailangan naman ni Kiamco na magpakatatag nang magsikap buma-ngon si Faraon mula sa four-racks bentahe tungo sa 11-9 tagumpay.

Katunggali sa Last 32 ni Kiamco si Jalal Yousef ng Venezuela na pinagpahinga si Zhou Long ng China, 11-10.

Limang iba pang Pinoy billiards players  mula sa siyam na nakalusot sa Group eliminations  ang magtatangka na umabante laban sa mga dayuhang katunggali kagabi.

Ang kasalukuyang World 8-ball champion at SEA Games gold medalist na si  Dennis Orcollo ay haharap sa pambato ng host Qatar na si Mishel Turkey na siyang dumisgrasya kay Daryl Peach ng England.

Ang dating Doha Asian Games gold medalist na si Antonio Gabica ay kalaro si Ruslan Chinakhov ng Russia; si Johann Chua ay katumbukan si Yukio Aka-gariyama ng Japan; si Oliver Medenilla ay katunggali si Karol Sikowerski ng Poland habang si Jeffrey Ignacio ay haharap kay Jason Klatt ng Canada.

Magpapatuloy ang aksyon ngayon at isasagawa ang Last 32, Last 16 at Last 8 at bukas ay matutunghayan ang semifinals at finals. (AT)

AL ARABI SPORTS CLUB

ANG

ANTONIO GABICA

CARLO BIADO

CHINESE TAIPEI

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

DOHA ASIAN GAMES

JALAL YOUSEF

JASON KLATT

JEFFREY IGNACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with