^

PM Sports

Iverson puwede na sa Hall of Fame?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Maaari nang mainomina si Allen Iverson sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame sa susunod na taon.

Ito ay matapos magdesisyon ang nasabing grupo na ibasura ang 10-game stint ng dating NBA superstar sa Turkish league makaraan ang kanyang NBA career.

Iniwan ni Iverson ang Philadelphia 76ers noong 2010 bago naglaro para sa koponan ng Besiktas sa Turkey.

Sa pamantayan ng Basketball Hall of Fame, maikukunsidera ang isang NBA player sa listahan kung ito ay limang taon nang retirado.

“It’s not a marketing decision,” sabi ni Basketball Hall of Fame president John Doleva. “It is a playing decision. It’s a decision by the voting committee. It definitely is not a marketing decision.”

Opisyal na inihayag ni Iverson, ang No. 1 overall pick ng 76ers noong 1996 NBA Draft, ang kanyang NBA retirement noong Oktubre ng 2013.

Iginiya ni Iverson ang Philadelphia sa anim na playoff appearances at  NBA Finals noong 2001 kung saan siya hinirang na NBA Most Valuable Player.

Nauna nang iniluklok ng Basketball Hall of Fame sina Dikembe Mutombo, Spencer Haywood, Dick Bavetta at iba pa sa Class of 2015 noong Biyernes.

ALLEN IVERSON

ANG

BASKETBALL HALL OF FAME

DICK BAVETTA

DIKEMBE MUTOMBO

IVERSON

JOHN DOLEVA

MOST VALUABLE PLAYER

NAISMITH MEMORIAL BASKETBALL HALL OF FAME

NBA

SPENCER HAYWOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with