Jeremy hindi nakilalang NBA player
CHARLOTTE, North Carolina — Nahirapan ang bagong Hornets’ guard na si Jeremy Lin na kumbinsihin ang isang security guard na siya ay NBA player nang magtungo siya sa Charlotte arena para mag-ensayo.
Pumirma ang 6-foot-3 na si Lin, isang Chinese-American, sa Hornets noong Hulyo.
Naglaro si Lin sa Harvard at naging undrafted player sa NBA Draft bago gumawa ng pangalan sa ikalawang bahagi ng 2012 season para sa New York Knicks.
Ang kanyang pagtirada sa mga big shots at double-figure scoring average ang nagbigay sa kanya ng taguring ‘Linsanity’.
- Latest