Petron magpipilit makabawi sa pagkatalo
PHU LY, Vietnam – Matapos makatikim ng straight-set loss laban sa 4.25 Sports Club of North Korea kamakalawa, hangad naman ng Petron na ibunton ang kanilang pagkainis sa Islamic Azad University ng Iran sa 2015 AVC Asian Women’s Club Championship dito sa Ha Nam Competition Hall.
Sasagupain ng Blaze Spikers ang mga Iranians ngayong alas-9 ng gabi (Manila time) sa nasabing nine-country tourney na nagtataya ng isang tiket para sa 2016 FIVB World Women’s Club Championship.
Nakatikim ang Petron, ang nagreyna sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix, ng 13-25, 18-25, 11-25 pagkatalo sa 4.25 Sports Club ng North Korea noong Biyernes ng gabi.
Sa naturang laro ay hindi nakaporma si Brazilian import Rupia Inck Furtado pati na sina local spikers Aby Maraño, Dindin Manabat at Rachel Anne Daquis.
Tumapos si Furtado, dating Brazilian juniors national team stalwart, na may 7 points, 5 kills at isang ace.
Nagtala rin si Manabat ng 7 points, habang may tig-4 markers sina Daquis at Maraño.
“It was Rupia’s first game with us so this flat performance is pretty understandable,” ani Blaze Spikers’ coach George Pascua, nakahugot ng 53-set performance kay reinforcement Erica Adachi.
Bagama’t walang foreign players, ang Iran ang isa sa mga kinatatakutang koponan sa torneo sa kabila ng kabiguan sa bigating Zhejiang ng China.
- Latest