^

PM Sports

Petron Lady Spikers haharap sa North Korea

Pang-masa

PHU LY, Vietnam – Matapos makapagpa-hinga mula sa mahabang biyahe, sisimulan na ng Petron Lady Blaze ang kampanya sa 2015 Asian Club Women’s Championship  sa pagharap sa 4.25 Sports Club ng North Korea ngayon  sa Ha Nam Competition Hall dito.

Magsisimula ang aksiyon sa alas-5:00 ng hapon kung saan hangad ng Blaze Spikers na makagawa ng major impact sa prestihiyosong tournament na ito kung saan siyam na mahuhusay na club teams ng Asia ang maglalaban para sa karapatan na kumatawan ng kontinente sa FIVB World Women’s Club Championship sa susunod na taon.

Ang Blaze Spikers, bumiyahe ng tatlong oras mula Manila patungong Bangkok bago ang dala-wang oras na biyahe mula Bangkok patungong Hanoi, Vietnam bukod pa sa dalawang oras na biyahe ng bus mula Hanoi patungong Phu Ly ay nag-training agad kahapon para sa pagharap sa mga Koreana.

“We haven’t seen them yet, but we’re ready,” sabi ni coach George Pascua, nagdala sa Blaze Spikers sa titulo ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix and All-Filipino Conference.

Sinabi ni Pascua na nasa kondisyon ang mga Brazilian reinforcements na sina middle spiker Rupia Inck at setter Erica Adachi habang sina Aby Maraño, Rachel Anne Daquis at Dindin Manabat ay handa na ring masubukan ang kanilang husay laban sa mga pambato ng Asia.

vuukle comment

ABY MARA

ANG

ANG BLAZE SPIKERS

ASIAN CLUB WOMEN

BLAZE SPIKERS

CLUB CHAMPIONSHIP

DINDIN MANABAT

ERICA ADACHI

GEORGE PASCUA

GRAND PRIX AND ALL-FILIPINO CONFERENCE

HA NAM COMPETITION HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with