^

PM Sports

Todo deny naman si Mayweather

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, dumepensa si Floyd Mayweather, Jr. kaugnay sa isyu ng kanyang pandaraya sa laban nila ni Manny Pacquiao noong Mayo 2.

Iginiit ni Mayweather na wala siyang nilabag na patakaran ng U.S. Anti-Doping Agency at ng Nevada State Athletic Commission ukol sa pagpapaturok niya ng dalawang saline at multivitamins at Vitamin C na katumbas ng 16 porsiyentong dami ng dugo sa isang normal na lalaki para labanan ang dehydration isang araw matapos ang kanilang weigh in ni Pacquiao.

“As already confirmed by the USADA statement, I did not commit any violations of the Nevada or USADA drug testing guidelines,” ani Mayweather sa ESPN. “I follow and have always followed the rules of Nevada and USADA, the gold standard of drug testing.”

Ipinagmalaki pa niyang siya mismo ang nagpumi-lit na magkaroon ng drug testing sa lahat ng kanyang mga laban.

“Let’s not forget that I was the one six years ago who insisted on elevating the level of drug testing for all my fights. As a result, there is more drug testing and awareness of its importance in the sport of boxing today than ever before. I am very proud to be a clean athlete and will continue to champion the cause,” ani Mayweather.

Nakatakdang labanan ng 38-anyos na si Mayweather si Andre Berto bukas sa MGM Grand para sa pinakahuli niyang laban bago magretiro sa susunod na taon.

ACIRC

ANDRE BERTO

ANTI-DOPING AGENCY

FLOYD MAYWEATHER

IGINIIT

IPINAGMALAKI

KAGAYA

MAYWEATHER

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with