^

PM Sports

Top performers ng PBA Season 40 pararangalan ng PBAPC

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasama-sama ang mga pinakamahuhusay na professional stars sa Setyembre 16 sa pagpaparangal ng Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) sa mga top individual performers sa nakaraang 40th season sa Annual Awards Night sa Century Park Hotel sa Pablo Ocampo St. (da-ting Vito Cruz), Manila.

Magsisimula ang nasabing annual awards, inilunsad noong 1993 sa ganap na alas-7 ng gabi.

Ang mangunguna sa listahan ng mga awards ay ang Coach of the Year at ang Executive of the Year bilang parangal kina legendary mentor Virgilio ‘Baby’ Dalupan at ang namayapang si team manager Danny Floro ng two-time Grand Slam champion Crispa.

Ang iba pang awards na ibibigay ay ang Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes (Sixth Man Award), Comeback Player, Order of Merit (ibinibigay sa player na may pinakamaraming Best Player of the Week awards), Scoring Champion at ang All-Rookie Team.

Noong nakaraang taon ay hinirang si Tim Cone bilang PBAPC Coach of the Year sa ikatlong pagkakataon matapos igiya ang San Mig Super Coffee (nga-yon ay Star Hotshots) sa Grand Slam title.

Iyon ang unang Coach of the Year plum ni Cone sa loob ng 19 taon o sapul noong 1996 kung kailan niya inihatid ang Alaska sa Grand Slam.

Ang unang PBAPC Coach of the Year award ni Cone, nangunguna sa liga sa kanyang 18 titulo ay noong 1994.

vuukle comment

ALL-ROOKIE TEAM

ANG

ANNUAL AWARDS NIGHT

BEST PLAYER OF THE WEEK

CENTURY PARK HOTEL

COACH OF THE YEAR

COMEBACK PLAYER

DANNY FLORO

DEFENSIVE PLAYER OF THE YEAR

EXECUTIVE OF THE YEAR

GRAND SLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with