^

PM Sports

Matagal nang pangarap ni Marcial ang Olympics gold

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malinaw kay Eumir Felix Marcial ang nais na mangyari sa kanyang pagiging kasapi ng national boxing team.

“Bata pa po ako ay pangarap ko ang manalo ng ginto sa Olympics,” bungad ng 19-anyos na si Marcial nang makasama nina ABAP executive director Ed Picson, boxer Rogen Ladon at mga coaches na sina Nolito Velasco at Reynaldo Galido sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s Malate.

May pagkakataon si Marcial na lumapit sa kanyang pangarap dahil siya at si Ladon ay kakatawan sa Pilipinas sa World Boxing Championships sa Doha Qatar mula Oktubre 5 hanggang 15.

Nakuha ito ng dalawang boksingero nang manalo ng pilak sa light flyweight at welterweight division sa idinaos na Asian Boxing Championships sa Bangkok, Thailand.

Isang World Junior champion sa flyweight division apat na taon na ang nakalipas, naipakita agad ni Marcial ang kahandaan nang magsakripisyong hindi na ituloy ang planong salubungin ang ina na darating sa Huwebes mula sa Zamboanga City para lamang magsimula agad ng masinsinang pagsasanay para sa laro sa Doha.

“Nagpaalam nga siya dahil gusto niya ring makasama ang ina at ipakita ang naipatayong bahay sa Dasmariñas, Cavite. Pero sinabi ko sa kanya na ipagpa-liban na lang muna niya ito dahil pagkatapos ng World Championships ay puwede niyang gawin ito. Masakit man ay sumunod naman si Eumir,” wika ni Picson.

Ang dalawang boxers ay tumulak kagabi patu-ngong Baguio City para sa pagsasanay.

“Hindi ko po pakakawalan ang pagkakataong ito. Marami na akong napanalunan pero ito ang gusto ko, ang manalo sa Olympics. Makakaasa ang lahat na gagawin ko ang best ko at bahala na ang Panginoon kung ano ang ibibigay niya sa akin,” dagdag ng 5’10” boxer na nanaig sa tatlong boksingero bago yumuko kay Asian Games gold medalist Daniyar Yeleussinov ng Kazakhstan.

Maging si Ladon ay determinado na ibigay ang lahat para lamang mabigyan ng karangalan ang Pilipinas at madagdagan ang mga atletang maglalaro sa Rio Olympics.

Si Fil-Am Eric Cray pa lamang ang tiyak na kasali sa Rio Games sa larangan ng 400m hurdles.

“I’m cautiously optimistic sa chances natin. Kinausap ko na silang dalawa at alam nila ang kanilang dapat gawin. We have to be confident but not over confident. Our boxers have to be 101 percent but this does not guarantee of a victory but we will have a chance,” pahayag pa ni Picson.

Dahil mahigit tatlong linggo na lamang bago ang World Championships kaya sa Baguio na lamang ang training nina Ladon at Marcial.

Isang Australian team sa pangunguna ng dating foreign coach ng ABAP na si Kevin Smith ang darating para makipag-sparring na makakatulong sa preparasyon ng dalawang boxers.

Limang boxers ang inilaban ng ABAP sa Asian Championships pero hindi pinalad sina Ian Clark Bautista, Mario Fernandez at Charly Suarez na makakuha ng puwesto sa World Championships. (AT)

ACIRC

ANG

ASIAN BOXING CHAMPIONSHIPS

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

BAGUIO CITY

CHARLY SUAREZ

DANIYAR YELEUSSINOV

LADON

MARCIAL

WORLD CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with