^

PM Sports

Gilas inangkin ang 2nd place sa Jones Cup

Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

TAIPEI – Gamit ang kanilang mas malalim na eksperyensa, madaling pinatumba ng Gilas Pilipinas ang bagitong Chinese Taipei B, 96-67, para pi­ta­sin ang second place sa pagtatapos ng 2015 Jones Cup kahapon dito sa Xinchuang Gymnasium.

Nag-init ang mga kamay ni Gary David para tu­mapos na may game-high na 22 points, tampok dito ang dalawang three-pointers, habang nagdag­dag sina Jayson Castro, Ra­nidel de Ocampo at Mo­ala Tautuaa ng 15, 12 at 10 markers, ayon sa pag­­­kakasunod.

Tinapos ng Nationals ang torneo sa kanilang  6-2 baraha sa ilalim ng 7-1 marka ng nagkampeong Ira­nians.

Ang mga pinadapa ng Gilas Pilipinas ay ang Chinese Taipei A (77-69), Spartak-Primorye ng Russia (85-71), Japan (75-60), Wellington Saints ng New Zealand (92-88) at USA Select-Overtake (78-74).

Ang dalawa nilang ka­biguan ay mula sa South Korea (70-82) at Iran (65-74).

Sinabi ni coach Tab Baldwin na kuntento siya sa kanilang naging kampanya sa torneo bilang pre­parasyon sa mas mabigat na 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3.

“With all the circums­tances, I’m pleased with the second-place finish. It’s respectable,” wika ni Baldwin. “It’s not really want you want, but we take the most of it. And there are many positives."

Itinala ng Nationals ang 50-32 sa halftime bago ibaon ang Taipei B sa ipinosteng 30-point lead, 82-52, sa pagwa­wa­kas ng third period.

Inaasahang makaka­sa­ma ng Nationals si n­a­turalized player Andray Blatche, hindi nakalaro sa Jones Cup dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina sa United States, sa kanilang unang en­sayo sa Manila sa Mi­yer­kules.

Tatlong practice days ang gagawin ng Gilas Pi­lipinas bago sumabak sa MVP Cup na siya nilang magiging pi­nakahuling tune-up meet.

Ito ay nakatakda sa Set­yembre 11-13 sa Smart Araneta Coliseum.

GILAS PILIPINAS 96 – David 22, Castro 15, Tau­tuaa 12, De Ocampo 10, Abueva 8, Intal 7, Ramos 7, Thoss 6, Rosario 6, Ganue­las-Rosser 3, Norwood 0, Tau­lava 0.

Chinese Taipei B 67 – Chien 18, Hsiao 14, Lin 9, Lee 9, Huang 8, Lee 3, Liu2, Lin CW 2, Chen 2, Chou 0, Cheng 0, Chien 0.

Quarterscores: 24-21; 50-32; 82-52; 96-67.

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

CHINESE TAIPEI A

CHINESE TAIPEI B

DE OCAMPO

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with