^

PM Sports

Maroons at Tigers nakauna sa UAAP

ATan - Pang-masa

Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay City)

12 n.n. – La Salle vs NU

4 p.m. – FEU vs Ateneo

MANILA, Philippines – Tinapos ng UP Maroons ang apat na taon na hindi nananalo sa ka­nilang unang laro sa UAAP nang kunin ang 62-55 tagumpay sa UE Red Warriors sa pagsisi­mula ng 78th season kahapon sa  Smart Araneta Co­liseum.

Sa ikalawang laro, ti­nalo naman ng UST Ti­gers ang Adamson Falcons, 70-64.

Si Christopher Vito ay may 11 puntos at siya ang susi sa makasay­sayang panalo nang ma­ipasok ng kaliweteng pla­yer ang tatlong sunod na three-pointers sa 11-2 palitan upang ang 45-41 kalamangan ay lumobo sa 56-43.

Napababa uli ng Warriors ang kalamangan sa apat, 55-59, sa buslo ni Chris Javier may 20.8 segundo, ngunit sina Dave Moralde at Jerson Pra­do ay nagsanib sa tat­long free throws sa su­munod na tagpo para ma­kita ng mga panatiko ng Maroons na nasa ita­as ng standings ang ka­nilang koponan.

Sa Season 74 hu­ling nanalo sa opening game ang host UP at kinuha rin nila ito laban sa UE, 69-61, noong Hulyo 14, 2011.

“Napakasarap ng fee­ling para sa akin at sa mga bata na nanalo ka­mi sa aming first game.Masisipag ang mga pla­yers  sa practice at ang ka­nilang sakripisyo ay nag­karoon ng bunga,” wika ni rookie coach Ren­sy Bajar.

Hindi rin nagulat si Ba­jar sa tibay na ipina­kita ng mga alipores dahil sa nakuhang magandang karanasan sa mga pre-season tournament kung saan nabuo umano ang kanilang ‘never-say-die’ attitude.

Ang Maroons ang nag­dikta sa laro at sa ka­agahan ng  ikalawang yugto ay lumayo sila sa 22-9 pero nakabalik pa ang Warriors para ma­ging mainitan ang laro.

Si Edson Batiller ay may 17 puntos.

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ANG

ANG MAROONS

CHRIS JAVIER

DAVE MORALDE

JERSON PRA

LA SALLE

LARO NGAYON

PASAY CITY

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with