^

PM Sports

Ladon at Marcial nabigo sa gold medal round

Abac Cordero - Pang-masa

BANGKOK – Hindi nakayanan nina light flyweight Rogen Ladon at wel­terweight Eumir Felix Marcial ang kanilang mga mas matitinding kalaban.

Kapwa lumasap ng ka­biguan sina Ladon at Mar­cial sa kanilang mga fi­nals matches sa ASBC Asian Boxing Champion­ships kahapon dito sa Tham­masat University Gym­nasium.

Natalo si Ladon kay Hasanboy Dusmatov ng Uzbekistan,  2-0, habang nabigo naman si Marcial kay reigning Asian Games champion Daniyar Yeleussinov ng Kazakhs­tan, 0-3.

Dahil dito ay nakuntento na lamang sina Ladon at Marcial sa silver me­dal.

Lumaban nang saba­yan ang tubong Zamboa­nga na si Marcial kay Ye­leussinov, beterano ng 2012 London Olympics.

Subalit nangibabaw ang eksperyensa ng Kazakh fighter.

Bagama’t natalo ay ka­kampanya pa rin ang 21-anyos na si Ladon at ang 19-anyos na si Marcial sa darating na AIBA World Championships sa Doha, Qatar sa Oktubre 5-15.

Ang Doha event ang mag­sisilbing qualifier pa­ra sa 2016 Olympic Games.

Nabigo si Filipino flyweight Ian Clark Bautista, napatalsik sa quarterfinals, na makasikwat ng tiket sa naturang Doha meet dahil hindi siya nakapasok sa top six ng kanyang weight division.

“Everyone fought well but obviously some ad­justments need to be made,” sabi ni ABAP exe­cutive director Ed Picson.

ACIRC

ANG

ANG DOHA

ASIAN BOXING CHAMPION

ASIAN GAMES

DANIYAR YELEUSSINOV

DOHA

ED PICSON

LADON

MARCIAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with