^

PM Sports

Curry kampi sa Philippine team

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi itinago ni NBA superstar Stephen Curry ang kanyang paghanga sa Gilas Pilipinas.

“There’s a small of group of people that play the game at that level. When your whole country is behind you, there’s no greater feeling,” sabi ni Curry, duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, sa Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin.

Kaagad pinagkaguluhan ang 27-anyos na si Curry at maski si actor Daniel Padilla ay nagpakuha ng litrato kasama siya at sinabing ito ay “dream come true” para sa kanya.

Si Curry, ang 2015 NBA Most Valuable Player awardee at naging instrumento sa paghahari ng Gol­den State Warriors sa nakaraang NBA Finals kontra sa Cleveland Cavaliers ni LeBron James, ay nangga­ling sa Tokyo, Japan.

Nasa bansa si Curry bilang bahagi ng five-city, three-country roadshow ng Under Armour.

Nakatakdang magtungo kagabi si Curry sa China para bumisita sa Beijing, Chongqing at Shanghai.

Bukod kay Curry, nauna nang bumisita sa bansa sina James, Ricky Rubio ng Minnesota Timberwolves, Kenneth Faried ng Denver Nuggets at San Antonio Spurs guard Danny Green.

ACIRC

CLEVELAND CAVALIERS

CURRY

DANIEL PADILLA

DANNY GREEN

DENVER NUGGETS

GILAS PILIPINAS

KENNETH FARIED

MINNESOTA TIMBERWOLVES

MOST VALUABLE PLAYER

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with