UAAP PREVIEW Palaban pa rin ang DLSU, ADMU
MANILA, Philippines - Sasandalan ng Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers ang pride ng pagiging isang multi-titled team upang maging palaban pa rin sa 78th UAAP men’s basketball.
Dagsa ang line-up ng Eagles at Archers ng mga bagong mukha pero tiniyak ng mga coaches ng dalawang koponang nabanggit na determinado sila na makapasok uli sa Final Four at kung may pagkakataon ay pupuntiryahin na rin nila ang kampeonato.
“Every since naman ay hindi nagbabago ang goal ng team. Ambisyon pa rin is to really go all the way with what we have,” ani Eagles third year coach Bo Perasol.
Tumapos sa unang puwesto ang Eagles sa elimination round noong nakaraang taon (11-3) pero tinalo sila ng fourth seed at naging kampeong National University.
Magbabalik sa huling pagkakataon sina Kiefer Rave-na, Von Pessumal, Gwayne Capacio at Alfonzo Gotladera. Nasa koponan din si Arvin Tolentino habang ang mga rookies ay pangungunahan ng mga dating national youth players na sina Mike at Joseph Nieto at Hubert Cani.
“Mas mahirap ang trabaho ngayon ng mga bete-rano lalo na si Kiefer dahil nasa kanya ang depensa ng mga kalaban. Ang importante ay ang magiging res-ponse ng mga rookies. Mahalaga sa amin na manalo agad sa unang game (kontra FEU) para magkaroon ng kumpiyansa,” dagdag ni Perasol.
Sa kabilang banda, ang Archers ni coach Juno Sauler ay aasa pa rin kina Jeron Teng, Jason Perkins, Thomas Torres, Paolo Rivero at Abu Tratter para ga-bayan ang koponan na may walong rookies.
Masasabing lumiit din ang Archers dahil hindi na nila makakasama ang ‘twin towers’ na sina Norbert Torres at Arnold Van Opstal at dagdag hamon ito kay Sauler na noong nakaraang season ay pumangatlo sa elims (10-4) bago nasibak sa FEU.
“We’re excited to compete this season with our rookies. Our veterans are guiding our rookies and my expectation is for them to outdo themselves,” pahayag ni Sauler.
Isang rookie na aasahan agad sa La Salle ay ang dating San Beda Red Cubs player Andrei Caracut na nakitaan ng magandang laro sa mga pre-season tournaments na kanilang sinalihan.
- Latest