15th NAASCU sa primetime
MANILA, Philippines - Ito na ang pagkakataon ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) na matunghayan sa telebisyon.
Inihayag kahapon ni league chairman Dr. Jay Adalem ng St. Clare sa PSA Forum sa Shakey’s Malate na ipapalabas ang 15th season ng NAASCU sa IBC-Channel 13.
“It’s the chance of NAASCU to be in the spotlight now with our games being shown on primetime. Maski naman 'yung UAAP and NCAA wala ring coverage ang mga iyan nu'ng nag-start sila,” ani Adalem.
Mapapanod ang mga laro ng NAASCU sa IBC-13 sa pamamagitan ng Asian Television Content (ATC) na kinatawan ni Engr. Rey Sanchez.
Ang mga aksyon sa liga ay isasaere tuwing Lunes at Huwebes mula alas-7 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.
Idedepensa ng Centro Escolar University ang kanilang korona sa pagsisimula ng torneo sa Biyernes sa Cuneta Astrodome.
Maliban sa CEU, ang iba pang miyembro ng tinatawag na ‘Third League’ ay ang host New Era University, St. Clare College of Caloocan, Fatima University, Diliman College, City University of Pasay, Philippine Christian University at Rizal Technological University.
- Latest