^

PM Sports

Perpetual winakasan ang ratsada ng Pirates

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginamit ng Perpe­tual Help ang kanilang de­pensa para wakasan ang dalawang sunod na rat­sada ng Lyceum.

Inilampaso ng Altas ang Pirates, 70-42, para ma­natili sa ikatlong puwesto sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Umiskor si John Yla­gan ng career-best na 15 points mula sa kanyang limang tres, habang kumamada si 6-foot-11 Ni­gerian giant Prince Eze ng 18 points, 19 rebounds at 6 blocks.

Itinala naman ni 2014 MVP Earl Scottie Thompson, ang No. 5 overall pick ng Ginebra sa 2015 PBA Rookie Draft, ang kanyang ika­apat na triple-double sa 13 points, 12 rebounds at 10 assists.

Nagmula ang Perpe­tual sa 65-70 kabiguan sa Mapua.

Hindi naman nata­pos ni 6’8 Nigerian im­port Bright Akhuetie ma­tapos magkaroon ng shoulder injury sa se­cond quarter.

Samantala, tinakasan ng Arellano University ang St. Benilde, 86-82, para sa kanilang pang-p­i­tong panalo.

Nakabawi ang Chiefs mula sa 112-114 double overtime loss sa Jose Ri­zal Heavy Bombers.

Sa juniors' action, ti­nalo ng Junior Pirates ang Junior Altas, 88-74, para sa kanilang 8-3 mar­ka, habang binigo ng Junior Blazers ang Ju­nior Chiefs, 80-67, pa­ra sa 6-5 baraha.

ACIRC

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

BRIGHT AKHUETIE

EARL SCOTTIE THOMPSON

HEAVY BOMBERS

JOHN YLA

JOSE RI

JUNIOR ALTAS

JUNIOR BLAZERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with