NU at FEU paborito sa 78th UAAP
MANILA, Philippines - Tinukoy ang National University Bulldogs at FEU Tamaraws, naglaban sa nakaraang UAAP Finals, bilang mga paboritong koponan na mag-uuwi sa 78th UAAP men’s basketball title na magsisimula sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Tanggap naman nina Bulldogs’ coach Eric Altamirano at Tamaraws’ mentor Nash Racela ang ipinupukol na mataas na ekspektasyon sa kanila.
“Ganoon naman talaga kapag galing sa championship and we just have to embrace that tagged. But, the way I look at it, all teams ay may mga bago and I just hope that my veterans will be able to lead our team. And the hunger to win, hindi dapat ito mawala,” wika ni Altamirano na nabawasan ng mga beterano sa pangunguna ni Troy Rosario.
Ang 6-foot-7 center ay kasama sa Gilas Pilipinas at nakatakdang maglalaro sa Talk ‘N Text sa PBA.
Siyam na beterano na naglaro sa Season 77 Finals ang babalik para sa FEU para masabing matibay na matibay ang laban ng Tamaraws.
“Kung iyon ang tingin nila, salamat. In a way, solid ang core namin dahil mga beterano. Pero nawala na sa amin sina Anthony Hargrove at Bryan Cruz na malalaking players so ang dapat naming makita ay ang contributions ng mga bagong players,” ani Racela.
- Latest