Free entrance para sa mga ticket holders ng Azkals game
MANILA, Philippines – Bibigyan ang mga ticket holders ng Philippine Azkals-Uzbekistan match, nakatakda sa Setyembre 8 sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan, ng free entrance sa The Palace Pool Club sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ang Palace Pool Club ay may swimming pools, locker rooms, shower areas at towel bar.
Hangad ng Philippine national football team ang kanilang pangatlong sunod na panalo sa second stage ng Asian qualifying para sa 2018 World Cup na idaraos sa Russia.
Ang panalo ng Azkals sa Uzbekistan ang lalo pang magpapalakas sa kanilang tsansa na makaabante sa susunod na yugto ng torneo.
Ang mga presyo ng tiket para sa Azkals-Uzbekistan game ay nagkakahalaga ng P531.80, P331.14 at P125.40.
- Latest