Arellano iniurong ang protesta sa double overtime win ng Jose Rizal
MANILA, Philippines – Maaari nang makahinga nang maluwag ang Heavy Bombers.
Mas pinahalagahan ang sportsmanship at ang kabutihan ng liga, iniurong ng Arellano University ang naunang planong paglalagay sa protesta ng kanilang 112-114 double overtime loss sa Jose Rizal University sa second round ng 91st NCAA men’s basektball tournament noong nakaraang Huwebes sa The Arena sa San Juan City.
Sinabi ni NCAA Management Committee representative Peter Cayco na mismong ang kanilang school president na si Francisco Cayco ang nag-atras ng kanilang protesta.
“I was ordered by my president not to put the game under protest in the spirit of sportsmanship and in the interest of the NCAA,” wika ni Cayco sa isang statement. “Jose Rizal had nothing to do with the errors of game officials.”
Dahil dito ay nakuha ng Heavy Bombers ang kanilang ikaanim na panalo sa 10 laro kagaya ng Chiefs.
Inireklamo ng Arellano ang pagbabago ng mga referees sa nauna nilang itinawag na three-point shot ni Jose Rizal guard Tey Teodoro.
Alam na abante ng isang puntos ang Heavy Bombers, napuwersa si Chiefs’ guard Jio Jalalon na bigyan ng foul si Gio Lasquety sa natitirang 1.5 segundo.
Ang dalawang free throws ni Lasquety ang sumelyo sa panalo ng Jose Rizal.
Sinabi ni Cayco na kung kaagad itinama ng mga officials ang tirada ni Teodoro ay malamang na hindi sila nagbigay ng foul.
Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang Letran Knights at ang five-peat champions na San Beda Red Lions sa magkatulad nilang 9-2 record kasunod ang Perpetual Altas (7-3).
- Latest