Clarkson desididong lumaro sa Gilas kung...
MANILA, Philippines - Balitang ayaw puma-yag ng ama ng Fil-Am Lakers player na si Jordan Clarkson na maglaro siya para sa Gilas Pilipinas.
Pero pinanindigan ni Clarkson na gusto talaga niyang maglaro sa Gilas kung magiging maayos ang lahat.
“Unfortunately, the timing couldn’t be worse as he prepares for rigors of the upcoming 2015-2016 NBA season and heightened performance expectations,” paliwanag ng tatay ni Clarkson na si Mike.
Sa official statement kahapon ni Jordan, sinabi niyang tinawagan na niya ang kanyang ama para sa kagustuhan niyang maglaro sa Gilas Pilipinas.
“My father has always looked out for my welfare and is only genuinely concerned for my career, my future and my well-being. His thoughts are that of a very loving dad,” wika ng 6-foot-5 na Fil-American na ang inang si Annette ay isinilang sa Angeles, Pampanga.
Ayon kay Clarkson, kakausapin niya ang kanyang ama pagbalik niya sa United States.
Ang 23-anyos na si Clarkson ay nakuha ng Lakers mul sa isang trade sa Washington Wizards na pumili sa kanya bilang 46th overall pick noong 2014 NBA Rookie Draft.
Pumirma si Clarkson sa two-year contract para sa Lakers bago ang kanyang debut season kung saan nakasama siya sa NBA All-Rookie Team.
Inulit ni Clarkson ang hangarin niyang makapag-laro para sa Gilas Pilipinas na naghahanda para sa 2015 FIBA Asia Championships sa susunod na buwan.
“Nothing is cast in stone, but I want to assure my Filipino brothers and sisters that, if given a chance and everything can be worked out, I sincerely wish to play for Gilas and contribute to the total team effort for flag and country,” sabi ni Clarkson.
May hawak na Philippine passport si Clarkson simula nang siya ay 12-anyos pa lamang at dahil dito ay malaki ang kanyang tsansang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas.
Nakipag-ensayo ang 23-anyos na si Clarkson sa Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin noong Miyerkules ng gabi at magiging ‘obser-ver’ sa paglahok ng koponan sa William Jones Cup Invitational sa Chinese-Taipei sa Agosto 29 hanggang Setyembre 6.
Sinabi ng produkto ng University of Missouri na gusto niyang maging pamilyar sa galaw ng kanyang mga magiging kakampi pati na sa sistema ni Baldwin.
“This is the reason why I am observing and familiarizing myself with the team while here and will even follow them in Taipei for the Jones Cup, so I can see them compete up close,” sabi ni Clarkson.
- Latest