^

PM Sports

Dahil ‘di umubra sa asam na FIBA World Cup, Olympic qualifier na lang ang tatargetin

Pang-masa

MANILA, Philippines – Seryosong ikukunsidera ng Pilipinas ang mag-bid para sa isa sa tatlong Olympic qualifying tournaments na gaganapin sa July 5-10 sa susunod na taon.

Ito ay kung hindi maiuuwi ng Gilas Pilipinas ang gold medal at tumapos sa 2nd, 3rd o 4th sa darating na FIBA Asia Championships sa Changsha, China na nakatakda sa Sept. 23-Oct. 3.

Sinabi ni MVP Sports Foundation president at Meralco PBA Governor Al Panlilio na magiging handa ang bansa na pamahalaan ang isang Olympic qua-lifying tournament.

“I think we’ll be open to bidding,” sabi ni Panlilio.  “I haven’t discussed it with MVP (SBP president Manny V. Pangilinan) but I’m sure if it will mean giving us an opportunity to play in Rio, we’ll consider it.  We’ve hosted two legs of the FIBA 3x3 World Tour and we’re in line to host the World Tour Finals in 2017 so we’re definitely capable.”

Tanging ang kukuha ng gold medal sa 2015 FIBA Asia Championships ang makakakuha sa automatic ticket para katawanin ang Asia sa 2016 Rio Olympics.

Ngunit ang second, third at fourth placers ay bibigyan ng slots para lumahok sa tatlo pang Olympic qualifying tournaments.

Ang tatlong Asian entries ay maglalaro sa tig-isang Olympic qualifying.

Kung hindi makakatapos ang isang Asian country sa top four ay puwede pa rin itong maglaro sa Olympic qualifying tournament kung ito ay magbi-bid at mabibigyan ng pagkakataong maging  host  sa labanan ng mga  ‘best non-qualified teams.’

Ang mananalo sa tatlong Olympic qualifying tournaments ang makakapaglaro sa 2016 Rio Olympics.

Anim na koponan ang maglalaban sa isang torneo na hahatiin sa dalawang grupo na may tig-tatlong koponan.

Ang mga semifinal survivors ang mag-aagawan sa tiket para sa Rio Olympics.

Isang playing venue ang kailangan at maaa-ring magtakda ang SBP ng magkahiwalay na practice arenas para sa bawat koponan.

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIPS

CHANGSHA

GILAS PILIPINAS

GOVERNOR AL PANLILIO

MANNY V

RIO OLYMPICS

SPORTS FOUNDATION

WORLD TOUR

WORLD TOUR FINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with