EAC Spikers may pag-asa pa
MANILA, Philippines - Binigyang buhay uli ng Emilio Aguinaldo College Generals ang kampanya sa Spikers’ Turf Collegiate Conference gamit ang 25-17, 25-23, 25-16 straight sets panalo sa UP Maroons kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi man kasing bangis si Howard Mojica kumpara sa huling dalawang natalong laro sa St. Benilde Blazers at Ateneo Eagles ay hindi ito nakaapekto sa Generals dahil gumana ang ibang kakampi para maitabla ang baraha sa 3-3.
Solidong 13 kills, 4 aces at 1 blocks ang hatid pa rin ni Mojica na gumawa ng 35 at 41 puntos sa huling dalawang asignatura.
Ngunit sa pagkakataong ito ay nagsanib sina Hariel Doguna, Keith Melliza, Mark Glennon Arias at Israel Encina sa 20 puntos para lu-malim ang pinagkunan ng opensa ng NCAA champion EAC.
Nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon lamang ng 16 errors ng Generals na sinabayan pa ng 30 libreng puntos mula sa pagkakamali ng Maroons.
Kailangan ngayon ng Generals na manalo sa La Salle Archers sa hu-ling laro sa Setyembre 2 para maging palaban pa sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.
Bababa ang Maroons sa 1-4 karta upang malagay sa peligro ang kampanya sa liga.
Dinurog din ng Archers ang nakasukatang FEU Tamaraws sa isa pang laro, 25-20, 27-25, 25-11 para itaas ang baraha sa 3-2 at kapitan pa ang ikatlong puwesto.
Mahusay na pinagsalit-salitan ng setter na si Geuel Asia sa kanyang spikers ang paghataw sa bola para mahirapan ang depensa ng Tamaraws na nagpahinga na bunga ng ikalimang sunod na kabiguan.
- Latest