^

PM Sports

Jordan babayaran ng $8.9 milyon ukol sa paggamit sa kanyang pangalan

Pang-masa

CHICAGO – Mas ti­nutukan ng mga hurado sa isang civil trial ang mar­ket value ng pangalan ni Michael Jordan ka­ya siya nanalo.

Ipinag-utos ng korte sa isang grocery-store chain na bayaran si Jordan ng $8.9 milyon ukol sa paglalagay ng kanyang pangalan sa isang steak ad nang wala siyang permiso.

Ito ay malapit sa $10 milyon na sinabi ng mga abogado ni Jordan na ha­laga ng paggamit ng pa­ngalan ng NBA great.

Niyakap ni Jordan ang kanyang mga aboga­do matapos basahin ang desisyon sa isang federal court sa Chi­cago kung saan na­nalo siya ng anim na NBA titles para sa Bulls.

“I’m so used to pla­ying on a different court,” sabi ni Jordan sa mga reporters sa labas ng courthouse. “This shows I will protect my name to the fullest. ... It’s my name and I worked hard for it ... and I’m not just going to let someone take it.”

Nilinaw ni Jordan na ang kaso ay “was ne­ver about money” at pla­no niyang ibigay ang iba­bayad sa kanya sa charities sa Chicago.

Sa kanyang paglabas sa courthouse ay da­­­lawang hurado ang hu­­­miling sa kanya na mag­palit­­rato.

Pinagbigyan naman ni­ya ang dalawang hurado at iniakbay ang kan­yang mga kamay sa balikat ng mga ito sa harap ng cell phone camera.

Bago pa man ang pag­lilitis ay inihayag na ng isang hurado na may pananagutan ang Dominick’s Finer Foods sa paggamit ng pangalan ni Jordan.

Si Jordan, bilang isang endorser, ay bi­na­ya­ran ng Nike ng $480 mil­yon mula 2000 hanggang 2012.

ACIRC

ANG

FINER FOODS

IPINAG

ISANG

ITO

JORDAN

MGA

MICHAEL JORDAN

SHY

SI JORDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with