^

PM Sports

Nakabawi agad ang Letran Knights

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumangon mula sa kanilang unang kabiguan ang Letran Knights para muling solohin ang liderato sa pagtatapos ng first round ng 91st NCAA men’s basketball tournament.

Nakabalik sa kanilang porma ang Knights sa fourth quarter matapos isuko ang itinayong 21-point lead sa second period para talunin ang Mapua Cardinals, 80-77, kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humugot si Rey Nambatac ng 14 sa kanyang 22 points sa final canto para sa pang-walong panalo ng Letran, nagmula sa 69-83 kabiguan sa Emilio Aguinaldo College kung saan napatawan ng one-game suspension si rookie coach Aldin Ayo.

“I know this is a big game for us. After a loss, we have to win,” sabi ni Ayo sa kanyang pagbabalik sa bench ng Knights.

Mula sa 48-27 abante ng Knights sa second period ay naagaw ng Cardinals ang 67-60 kalamangan sa hu-ling apat na minuto ng fourth quarter.

Nagsalpak si Nambatac ng tatlong three-point shots, habang nagdagdag si point guard Mark Cruz ng triple para sa 80-75 bentahe ng Letran sa huling 2:31 minuto.

Nagdagdag si Cruz ng 16 points kasunod ang 11 ni Jerick Balanza para sa Knights, habang pinamunuan ni Nigerian import Allwell Oraeme ang Cardinals sa kanyang 23 points at season-high 28 rebounds.

Sa juniors’ division, tinalo ng Mapua Red Robins ang Letran Squires, 97-63, para sa kanilang 8-1 marka at umasa ang La Salle-Greenhills sa 33 points ni Ricci Rivero para igupo ang Arellano Junior Chiefs, 90-69, para sa kanilang 5-4 baraha

Sa ikalawang laro, pinasadsad ng Arellano U ang St. Benilde, 85-73 upang makisalo sa ikaapat na puwesto sa Jose Rizal taglay ang 5-3 karta.

Nalaglag naman ang Blazers fell sa four-way logjam sa No. 7 kasama ang Emilio Aguinaldo Generals, San Sebastian Stags at Lyceum Pirates sa kanilang magkakatulad na 2-7 records.

LETRAN 80 - Nambatac 22, Cruz 16, Balanza 11, Luib 10, Racal 9, Quinto 8, Apreku 2, Sollano 2, Calvo 0, Balagasay 0.

Mapua 77 - Oraeme 23, Biteng 15, Que 13, Serrano 8, Nieles 7, Menina 6, Aguirre 3, Raflores 2, Stevens 0, Villasenor 0, Brana 0.

Quarterscores: 25-21; 53-38; 60-59; 80-77.

Arellano 85- Nicholls 19, Jalalon 13, Salado 11, Gumaru 9, Holts 6, Ortega 6, Capara 4, Cadavis 4, Zamora 4, Enriquez 3, Meca 2, Bangga 2, Tano 2, Ongolo 0, de Guzman 0

St. Benilde 73- Grey 24, Saavedra 16, J. Domingo 15, S. Domingo 6, Ongteco 4, Sta. Maria 4, Fajarito 3, Castro 1, Nayve 0, Deles 0, Young 0, San Juan 0.

Quarterscores: 30-17; 49-34; 74-48; 85-73.

vuukle comment

ALDIN AYO

ALLWELL ORAEME

ANG

ARELLANO JUNIOR CHIEFS

ARELLANO U

CRUZ

DOMINGO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

PARA

ST. BENILDE

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with