^

PM Sports

San Beda nakisosyo sa liderato

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakawala ang Red Lions mula sa pagdikit ng six-time titlists na San Sebastian Stags sa fourth quarter para kunin ang 92-81 panalo upang makisosyo sa liderato ng 91st NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakisalo ang SBC Lions sa Letran Knights sa unahan mula sa magkatulad nilang 7-1 record.

“We went with our system when we got that lead so we can’t afford that,” sabi ni San Beda rookie coach Jamike Jarin nang makalapit ang San Sebastian sa 77-78 agwat sa fourth quarter matapos maiwanan sa 78-61 sa third period.

Huling nakalapit ang Stags sa 79-80 bago mu-ling nakalayo ang Red Lions, nakahugot ng 28 points at 12 rebounds kay 6-foot-8 Nigerian import Ola Adeogun, habang nag-ambag si Arthur Dela Cruz ng 13 markers.

Samantala, tinapos ng Lyceum Pirates ang kanilang limang sunod na kamalasan matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 69-55 para sa kanilang ikalawang panalo sa siyam na laro.

Kumolekta si Came-roonian import Victor Nguidjol ng 12 points at 13 rebounds, habang nag-ambag si Joseph Gabayni ng 11 markers at 9 boards para sa Pirates.

“We try to enjoy the process and not the results,” wika ni coach Topex Robinson sa kanyang Lyceum.

Makaraang umiskor ng 9 points sa kabuuan ng third period ay kumamada ang Pirates ng 20 markers sa fourth quarter para talu-nin ang Generals, nalasap ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan matapos ang two-game winning run.

ANG

ARTHUR DELA CRUZ

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

JAMIKE JARIN

JOSEPH GABAYNI

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

OLA ADEOGUN

RED LIONS

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with