Two-time Olympic shooter pumanaw na
MANILA, Philippines - Pumanaw kahapon si two-time Olympian shooter Arturo ‘Art’ Macapagal, ang kapatid ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa sakit na prostate cancer.
Si Macapagal ay miyembro ng national shooting team at sumabak sa men’s free pistol event ng Olympic Games noong 1972 sa Munich at 1976 sa Montreal.
Hinawakan ni Macapagal ang national record sa Olympic free pistol sa loob ng 21 taon at hinirang na All-Around Filipino Sports Awardee ng Philippine Sportswriters Association noong 1973 at 1974.
Pinarangalan din si Macapagal bilang Most Outstanding Shooter for the Decade ng Philippine Olympic Committee (POC) noong 1980’s.
Nailuklok si Macapagal bilang pangulo ng Philippine Olympians Association at ng Philippine National Shooting Association.
Natalo siya sa POC presidency noong 2008 laban kay Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr.
- Latest