PKF nakatuon sa hinaharap
Matapos ang matagumpay na kampanya sa nakaraang Thailand Open kung saan 24 medals ang naiuwi ng mga Pinoy Karatekas, inspirado ang mga opisyal ng Philippine Karatedo Federation na palakasin ang kanilang programa na ang target ay ang 2020 Tokyo Olympics.
Nakita nina Raymond Lee, secretary-general ng PKF at Dr. Ricky Vazquez, presidente ng asosasyon, ang potensiyal ng kanilang mga karatekas sa nakaraang pagsali nila sa Thailand Open.
“Pagtitibayin namin ang programa ng PKF para sa mga bata,” sabi ni Vazquez. “Pinagha-handaan namin ang 2019 SEA Games (malamang na i-host ng Pinas ngunit wala pang opisyal na announcement) and from here, our program is in line with the Tokyo Olympics in 2020.”
Sa victory party ng PKF para sa mga nanalo ng medalya sa Thailand noong Sabado, binanggit ni Vazquez sa kanyang speech na nakita niya ang magandang samahan at pagtutulungan ng mga opisyal sa pangunguna ni Lee na tumayong team manager ng koponan at ng mga magulang ng mga karatekas.
Nagresulta ito ng 4-gold, 8-silver at 12-bronze at umaasa siyang magpapatuloy ang samahang ito upang maging matagumpay ang asosasyon na tututukan ang mga batang atleta para may pumalit sa mga senior karatekas sa hinaharap.
Kahit ang PKF ay hindi ligtas sa mga pulitika sa sports pero magandang hindi sila nagpapaapek-to na dahilan para maging maganda ang takbo ng kanilang asosasyon.
“May pulitika pa rin pero di na namin nararamdaman,” ani Vazquez. “Ayos na ayos kmi.”
Parang Phil. Swimming League (PSL) lang din ang PKF. Nagiging successful sila kasi very cooperative ang mga parents ng mga atleta.
Pano nga naman susuporta ang isang magulang sa asosasyon kung puro pulitika?
- Latest