Quarterfinal cast kinumpleto ng FEU Spikers
MANILA, Philippines – Itinaas ng FEU Tamaraws ang kalidad ng pag-lalaro sa fifth set para angkinin ang 25-21, 22-25, 25-16, 21-25,15-9, panalo sa Mapua Cardinals para kumpletuhin na ang mga maglalaro sa quarterfinals sa Spikers’ Turf Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagtulung-tulong sina Greg Dolor, Jeric Gacutan, Joshua Barrica at Peter Quiel sa opensa habang ang mga guest players na sina Owen Jaime Suarez at Rikko Marmeto at Joshua Barrica ang namahala sa depensa para wakasan ang kampanya sa elimination round sa 2-3 karta sa Group A.
Si Dolor ay may 18 puntos, kasama ang 16 kills sa 32 attempts habang sina Gacutan, Barrica at Quiel ay nagsanib sa 37 puntos para sa matikas na opensa.
May tig-dalawang blocks sina Suarez at Barrica habang sina Marmeto at Barrica ay may pinagsamang 22 digs para mangibabaw pa ang FEU sa digs, 39-27.
Nakatulong pa sa panalo ay ang 40 errors ng Cardinals na tinapos ang laro bitbit ang 1-4 baraha para samahan ang UE Warriors na namahinga na sa kompetisyong inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.
Nanguna para sa Cardinals si Philip Michael Bagalay sa 20 puntos, kasama ang 18 kills, habang si Anjo Pertierra ay may 15 puntos, tampok ang siyam na blocks.
Kinumpleto ng National University Bulldogs ang 5-0 sweep sa itinalang 25-20, 25-21, 27-25 straight sets panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals.
May 11 puntos si Bryan Bagunas habang sina Kim Malabunga at Francis Saura ay naghati sa 18 puntos para sa Bulldogs na ginamit rin ang lakas sa blocking, 12-4, para umabante na hindi natatalo sa liga.
Unang kabiguan ito ng General at nasayang ang 18 puntos, 3 blocks at isang block tugo ni Ho-ward Mojica. (AT)
- Latest