^

PM Sports

Kumpleto na! DLSU-Dasma pasok sa quarterfinals, Baste laglag

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatunayan ni Chloda Cortez na tama ang pagpili sa kanya para punuan ang puwestong iniwan ng may injury na si Carmela Tunay nang tulungan ang UST Tigresses sa 25-22, 25-15, 25-17 panalo sa San Sebastian Lady Stags sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naghatid si Cortez ng 10 puntos at pinagning-ning niya ito sa pagkakaroon ng tatlong blocks upang bigyan ang UST ng 11-3 bentahe sa nasabing departamento.

Sina Pamela Lastimosa at Ennajie Laure ay may 14 at 12 puntos para umangat ang UST sa ikaapat na sunod na panalo matapos ang limang laro para angkinin ang ikalawang puwesto sa Group B papasok sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Nalaglag ang Lady Stags sa 1-4 karta at tuluyang napatalsik sa kompetisyon nang ma-naig ang La Salle-Dasma Lady Patriots sa sister school St. Benilde Lady Blazers sa larong umabot ng limang sets, 25-19, 25-21, 15-24, 18-25, 16-14.

Ito ang ikalawang panalo sa limang laro ng Lady Patriots na siya ring baraha ng Lady Bla-zers upang samahan ang Ateneo Eagles at UST sa quarterfinals sa Group B.

Naunang nanalangin ang Baste na manalo ang St. Benilde para magkaroon ng triple tie sa 1-4 karta kasama ang pahi-ngang TIP Lady Engineers.

Kung nagkaganito ay maghaharap sa playoffs ang Lady Stags at Lady Patriots. Nagkaroon din ng kinang ang pagsali ng University of Batangas Mighty Brahmans nang talunin ang PUP Lady Radicals, 19-25, 25-22, 25-22, 28-26 sa labanan ng dalawang talsik nang koponan sa Group A.

Tumapos ang Univ. of Batangas na may isang panalo sa limang laro, mas angat sa PUP bokya sa 5-laro. (AT)

ANG

ATENEO EAGLES

CARMELA TUNAY

CHLODA CORTEZ

COLLEGIATE CONFERENCE

ENNAJIE LAURE

GROUP A

GROUP B

LADY

LADY PATRIOTS

LADY STAGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with