Malalaman ngayon kung sino ang mga best beach volley players
LARO NGAYON
(Sands By The Bay)
10 a.m. Amy’s vs Philips Gold (W, 7th)
11 a.m. Meralco vs Petron XCS (W, 5th)
1 p.m. Centerstage
vs Cignal HD Spikers A (M, 3rd)
2:30 p.m. Cignal HD Spikers B
vs Foton Hurricane (W, 3rd)
3:30 p.m. Gilligan’s vs Foton Tornadoes
(Women’s Finals)
5:30 p.m. SM By the Bay
vs Champion Infinity B (Men’s Finals)
MANILA, Philippines -Pag-aagawan ng Gilligan’s at ng Foton Tornadoes ang korona sa wo-men’s division ng PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na inihahandog ng Smart Live More sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.
Sasagupain nina Danica Gendrauli at Norie Diaz ng Gilligan’s sina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Foton Tornadoes ngayong alas-3:30 ng hapon sa torneong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By the Bay, Senoh at Maynilad.
Sa alas-5:30 naman maghaharap sina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena ng SM By the Bay A at Tippy Tipgos at Marjun Alingasa ng Champion Infi-nity B para sa titulo ng men’s division.
Muling maghaharap sina Gendrauli, nagreyna sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. habang naglalaro para sa Southwestern University at Ceballos sa ikatlong pagkakataon.
Tinalo ni Ceballos si Gendrauli sa nauna nilang dalawang pagtatapat sa commercial beach volleyball noong 2012 at 2013 sa Boracay.
Inamin ni Ceballos na mahihirapan sila kay Gendrauli.
Sa unang laro sa alas-10 ng umaga ay paglalabanan ng Amy’s at Philips Gold ang seventh place, kasunod ang banggaan ng Meralco at Petron XCS sa alas-11 para sa 5th place sa women’s division.
Si Becaldo ay isang two-time beach volleyball champion mula sa University of the Visayas, habang si Tipgos ay ang kanyang karibal buhat sa University of San Jose-Recoletos.
Maghaharap naman ang Centerstage at ang Cignal HD Spikers A sa ala-1 ng hapon para sa third place sa men’s division at pag-aagawan ng Cignal HD Spikers B at Foton Hurricane ang third place sa women’s division sa alas-2:30.
- Latest