Letran nakatikim ng talo sa EAC
MANILA, Philippines - Tinalo ng Knights ang mga nakapasok sa Final Four noong nakaraang taon ngunit hindi ang nasa ilalim na Generals.
Sinamantala ang pagkakapataw ng one-game suspension kay rookie coach Aldin Ayo, tinalo ng dehadong Emilio Agui-naldo College ang Letran College, 83-69 sa 91st NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Minantsahan ng Gene-rals ang dating malinis na record ng Knights, pansamantalang hina-wakan ni assistant coach Louie Gonzales, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-5 panimula.
Nauna nang tinalo ng Letran ang five-peat champions na San Beda College, Perpetual Help, Jose Rizal University at Arellano University.
Humugot si Jorem Morada ng 12 sa kanyang 18 points sa fourth quarter kung saan nagtala ang Generals ng 14-point lead laban sa Knights.
Humakot naman ang Cameroonian import Laminou Hamadou ng 20 points, 24 rebound at 4 blocks para banderahan ang EAC ni rookie coach Andy De Guzman.
Samantala, bumangon ang San Sebastian Stags 5-sunod na talo matapos igupo ang Lyceum Pirates, 77-70 tampok ang 35 points at 16 boards ni Michael Calisaan.
Kumamada si Ca-lisaan ng 23 points sa first half kung saan nagposte ang Stags ng 13-point lead, 48-35 para talunin ang Pirates.
Nagdagdag si Jon Ortouste ng 15 markers kasunod ang 12 ni Ryan Costelo para sa San Sebastian ni rookie mentor Rodney Santos.
Sa juniors’ division, tinalo ng Lyceum Junior Pirates ang San Sebastian Staglets, 88-82 para sa kanilang 5-3 baraha, habang dinaig ng EAC Briga-diers ang Letran Squires, 72-71 na nag-angat sa kanilang marka sa 3-4.
Kapwa may 3-5 karta ang Staglets at ang Squires.
SAN SEBASTIAN 77 - Calisaan 35, Ortouste 15, Costelo 12, Guinto 7, Santos 3, Fabian 3, Capobres 2.
Lyceum 70 - Alanes 17, Nguidjol 14, Bulawan 9, Sunga 8, Taladua 8, Mbida 7, Baltazar 4, Soliman 2, Lugo 1.
Quarterscores: 20-26; 48-35; 65-50; 77-70.
EAC 83 - Hamadou 20, Onwubere 18, Morada 18, Munsayac 7, Diego 6, Mejos 6, Pascua 3, Bonleon 2, Corilla 2, Mallari 1.
Letran 69 - Racal 18, Cruz 16, Nambatac 11, Sollano 6, Apreku 4, Balanza 4, Calvo 3, Luib 3, Balagasay 2, Publico 2.
Quarterscores: 18-13; 28-36; 52-50; 83-69.
- Latest