^

PM Sports

Ang pagkikita nina Pacquiao at Yao Ming

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkaiba ang kanilang sport, ngunit iisa naman ang kanilang layunin -- ang makatulong sa hangarin ng bansa nilang makuha ang hosting right ng 2019 FIBA World Cup.

Nagkita sina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at dating Chinese NBA superstar Yao Ming kahapon sa Prince Park Tower Hotel sa Tokyo, Japan kung saan nila sinusuportahan ang pagbi-bid ng Pilipinas at China para sa pamamahala sa 2019 FIBA World Cup.

Sa ulat sa FIBA website, nagbigay ng pahayag ang dalawang sports icons bago ang presentasyon ng Pilipinas at China sa harap ng FIBA Central Board.

“I am a boxer but I am here because I love basketball so that tells you the passion that Filipinos have for basketball,” sabi ng 5-foot-6 na si Pacquiao. “If we host the 2019 FIBA Basketball World Cup, we can show that passion to the world.”

Ang 36-anyos na si Pacquiao ang playing coach ng Kia sa PBA.

Sinabi naman ng 7’4 na si Yao, dating kamador ng Houston Rockets na mahirap pagkum-parahin ang pagmamahal ng mga Filipino at Chinese sa basketball.

“You can’t say that one type of love is better than the other. Both are great. Both countries have a great passion for basketball, particularly for FIBA basketball,” wika ni Yao.

Maliban kay Pacquiao, ang iba pang kasama sa Philippine delegation ay sina Fil-American Hollywood actor Lou Diamond Philipps, Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan at iba pa.

ACIRC

ANG

BASKETBALL WORLD CUP

CENTRAL BOARD

FIL-AMERICAN HOLLYWOOD

HOUSTON ROCKETS

LOU DIAMOND PHILIPPS

PACQUIAO

PILIPINAS

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with