FIBA World Cup hosting sa China ‘Di pa para sa atin
MANILA, Philippines - Nang ihayag ng FIBA Central Board ang kanilang desisyon ay natigilan si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan habang napayuko na lamang si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Ibinigay ng FIBA Central Board sa world economic super power na China ang hosting rights para sa 2019 FIBA World Cup kagabi sa Prince Park Tower Hotel sa Tok-yo, Japan.
Sa kanilang presentas-yon ay ibinida ng China ang mga malalaking sporting events na kanilang napamahalaan katulad ng 2008 Olympic Games at ang 2010 Asian Games.
Tanging ang mga ve-nues na gagamitin sana sa 2019 FIBA World Cup ang itinampok ng Pilipinas sa kanilang video presentation.
Sa kabila ng desisyon ay ipinagmalaki pa rin ni Fil-Am Hollywood actor Lou Diamond Philipps ang pagkakasama niya sa Philippine delegation.
“Incredibly proud & honored to be a part of the Philippine delegation. We left our hearts on the court! Congrats to China,” wika ni Philipps sa kanyang Twitter account.
Ang minimum bid para sa hosting rights ay itinakda sa 8 million Euros o katumbas ng P460 milyon at sinasabing kakailanganin ng Pilipinas ng pondong P1.5-2 bil-yon para mapangasiwaan ang 2019 World Cup na huling idinaos sa Spain noong 2014 kung saan nakalaro ang Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes.
“Sakit,” sabi ni Reyes sa kanyang Twitter account matapos ang desisyon ng FIBA Central Board.
Ang Philippine Arena, Mall of Asia Arena, Araneta Coliseum at isang 22,000-seat, state-of-the-art na SM Arena sa Cebu ang mga panukalang ve-nues na sinabi ng SBP na gagamitin para sa 2019 FIBA World.
Ngunit walo naman ang inihanda ng China.
Ang mga ito ay ang basketball stadium sa Beijing, Wuhan, Nanjing, Guangzhou, Shenzhen, Suzhou, Foshan at Dongguan.
Kabilang naman sina Kelly Williams ng Talk ‘N Text at LA Tenorio ng Barangay Ginebra sa mga nadismaya.
“Today’s decision does not define us in the world of sports,” ani Williams.
- Latest