Bida na naman si Dela Cruz
MANILA, Philippines - Isa namang ordinar-yong araw para kay Arthur Dela Cruz.
Kumamada ang 6-foot-4 na si Dela Cruz ng 29 points, 9 assists, 6 rebounds at 4 steals para pagbidahan ang five-peat champions na San Beda Red Lions sa 88-69 panalo laban sa Jose Rizal Heavy Bombers sa 91st NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Nagtuwang sina Dela Cruz at guard Dan Sara sa fourth quarter para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Red Lions kasabay ng pagpigil sa three-game winning run ng Heavy Bombers, ang No. 1 defensive team ngayong season.
Mula sa two-point lead ng San Beda sa kaagahan ng fourth period ay nagtuwang sina Dela Cruz at Sara para ungusan ang Jose Rizal sa iskoran, 30-13.
Tumapos si Sara na may 17 points, habang nagdagdag si 6’8 Nigerian import Ola Adeogun ng 16 markers at 8 boards para sa pang-anim na panalo ng Red Lions.
Humugot naman si 6’8 Nigerian Bright Akhuetie ng 16 sa kanyang 31 points para akayin ang Perpetual Altas sa 76-66 panalo kontra sa Arellano Chiefs.
Ito ang pang-limang panalo ng Altas para solohin ang ikatlong puwesto.
Sa juniors’ division, tinalo ng San Beda Red Cubs ang Jose Rizal Light Bombers, 103-53 para sa kanilang 7-0 record, habang sinandalan ng Arellano Junior Chiefs ang 28 points ni Carlo Abadeza para daigin ang Perpetual Junior Altas, 85-69 at ilista ang 6-1 marka.
Parehong may 0-7 baraha ang Junior Altas at ang Light Bombers.
SAN BEDA 88 - Dela Cruz 29, Sara 17, Adeogun 16, Koga Tongco 7, Solera 7, Koga 7, Soberano 3, Tankoua 2.
Jose Rizal 69 - Teodoro 16, Dela Paz 15, Pontejos 9, Pou-touochi 8, Abdul Wahab 8, Lasquety 4, Dela Virgen 3, Aurin 2, Balagtas 2, Grospe 2.
Quarterscores: 20-15; 39-33; 58-54; 88-69.
PERPETUAL 76 - Akhuetie 31, Thompson 11, Daga-ngon 11, Eze 8, Coronel 7, Bantayan 3, Gallardo 2, Sadiwa 2, Cabiltes 1.
Arellano 66 - Jalalon 14, Enriquez 12, Nichols 8, Holts 7, Bangga 6, Cadavis 6, Capara 2, Gumaru 2, Ortega 2.
Quarterscores: 18-23; 32-36; 54-52; 76-66.
- Latest