^

PM Sports

UP Spikers nakaiwas sa upset

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagising agad ang UP Maroons sa katotohanang palaban ang La Salle-Dasma Patriots para makaiwas sa upset sa kinuhang 23-25, 25-16, 25-19, 25-22, tagumpay sa Spikers’ Turf Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kumawala si Wendel Miguel sa 19 puntos habang sina Alfred Gerard Valbuena at Julius Evan Raymundo ay naghatid pa ng 15 at 11 puntos upang pumasok na sa quarterfinals sa Group B sa 3-1 karta.

Ipinamalas ng Natio-nal University Bulldogs ang determinasyon na manalo pa nang buma-ngon mula sa 8-11 deficit sa fifth set para makumpleto ang 25-23, 19-25, 22-25, 25-21,15-13 panalo sa FEU Tamaraws.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng Bulldogs para saluhan sa liderato ang NCAA titlist Emilio Aguinaldo College Generals habang ang Tamaraws ay bumaba sa 1-3 karta at kasama ang Mapua Cardinals sa mahalagang ikaapat na puwesto sa Group A.

May 17 kills si Miguel habang si Valbuena ay may 12 para pamunuan ang 45 attack points na nakuha ng Maroons sa labanang tumagal sa isang oras at 31 minuto.

Nakitaan din ng magandang pamamahagi ng bola para sa mga kakamping spikers si setter Charles Drake Acuna sa kanyang 30 excellent sets upang samahan na ang Ateneo Eagles at La Salle Archers sa susunod na round sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Ikaapat na sunod na pagkatalo ang nangyari sa Patriots para mamaalam na sa liga.

Si Eddimar Kasim ay mayroong 17 kills, 2 blocks at 1 ace tungo sa 20 puntos para pangunahan ang Patriots. (AT)

ALFRED GERARD VALBUENA

ANG

ATENEO EAGLES

DRAKE ACUNA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GROUP A

GROUP B

HOME ULTERA

JULIUS EVAN RAYMUNDO

LA SALLE ARCHERS

LA SALLE-DASMA PATRIOTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with