^

PM Sports

16 Fil-Ams sa PBA Draft

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsumite ng kanilang mga aplikasyon ang 16 Fil-Foreign players para sa 2015 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 23 sa Robinson’s Place Manila.

Ang apat dito ay inaasahang kaagad makukuha sa first round kung saan hihirangin si 6’7 forward Moala Tautuaa bilang top overall pick.

Ang 26-anyos na si Tautuaa ay may dugong Tongan kagaya ni NLEX center Asi Taulava, samantalang ang kanyang inang si Romanita ay Filipina. Nag-aral si Tautuaa sa Chadron State, isang public college sa Nebraska at kinuha ni coach Ariel Vanguardia para maglaro sa Westports Malaysia Dragons sa ABL noong 2013.

Naglaro si Tautuaa ng dalawang seasons para sa Dragons sa ABL.

At para maging eligible sa 2015 PBA draft ay kumampanya siya para sa Cagayan Valley at Cebuana Lhuillier sa PBA D-League.

Inaasahang kaagad siyang huhugutin ng Talk ‘N Text bilang first overall pick. Nakuha ng Tropang Texters ang No. 1 spot mula sa kanilang naunang trade sa Blackwater.

Ang iba pang Fil-Foreigners na maaaring makuha sa first round ay sina 6-2 Maverick Ahanmisi, 6-6 Norbert Torres at 6-2 Chris Newsome.

Ang ina ng 24-anyos na si Ahanmisi ay ang Pinay na si Marissa Frankera, habang ang kanyang amang si Victor ay isang Nigerian.

Sinabi ni Blackwater team owner Dioceldo Sy na kung walang kukuha kay Ahanmisi bilang No. 9 pick ay sila ang tatapik dito.

Naglaro si Ahanmisi para sa Café France sa PBA D-League at iginiya ang Bakers sa korona ng Foundation Cup sa nakaraang season.

Ipinanganak naman ang 25-anyos na si Torres sa Toronto at ang kanyang mga magulang na sina Cirilo at Dinia de la Cruz ay taga-Calumpit, Bulacan.

Mula sa high school sa Canada ay naglaro siya ng apat na taon para sa La Salle Green Archers sa UAAP.

Nagsuot si Torres ng Philippine team jersey sa Gilas Cadets na nanalo ng gold medal sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Ang 25-anyos namang si Newsome ay naglaro ng tatlong taon sa New Mexico Highlands varsity at da-lawang seasons sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Ang kanyang amang si Eric ay mula sa Philadelphia, habang ang nanay niyang si Carmelita Duque ay Filipina.

Natunghayan si Newsome para sa Hapee sa PBA D-League. (QH)

AHANMISI

ANG

ARIEL VANGUARDIA

ASI TAULAVA

ATENEO BLUE EAGLES

CAGAYAN VALLEY

CARMELITA DUQUE

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE

PARA

TAUTUAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with