^

PM Sports

4 PSL swimmers pinarangalan

Pang-masa

SINGAPORE – Apat na swimmers ng  Philippine Swimming League (PSL) ang ginawaran ng Most Outstanding Swimmer awards makaraang magtampisaw ng medalya  sa kani-kaniyang dibisyon sa pagtatapos ng  2015 Singapore Invitational Swimming Championship sa Singapore Island Country Club (SICC) dito.

Bumandera  sa listahan sina Indian Ocean All Star Challenge multi-gold medalists Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College at Kyla Soguilon ng Sun Yat Sen School.

Kasama rin sa nagbulsa ng MOS sina  Marc Bryan Dula ng Wissenheimer Academy at Lee Grant Cabral ng Diliman Preparatory School.

Kabuuang limang ginto at tatlong pilak  ang kinamada ni Mojdeh sa girls’ 8-9 na pinag-init ng dalawang bagong rekord sa 100-meter breaststroke (1:34.89) at 50m butterfly (36.42).

“We’re overwhelmed with the results that we’re getting  here. There are  lots of good swimmers in this edition including those from Singapore Sports School who are members of the Singapore national junior team,” pahayag ni PSL President Susan Papa.

“Talagang malalakas ang mga kalaban pero lumaban ang mga bata. Nakakatuwa na nakatanim na sa puso nila yung res-ponsibilidad na Pilipinas ang inire-represent nila dito hindi schools or teams nila,” dagdag pa ni Papa.

Limang gold din ang nakuha ni Soguilon na tampok ang pagbasag ng dating record sa 100m backstroke sa oras na 1:16.78, bukod pa ang  tig-isang pilak at tanso sa 10-11 category.

Ang iba pang ginto ni Soguilon ay  mula sa 50m backstroke, 50m freestyle, 100m freestyle at 50m butterfly habang ang pilak ay sa 200m freestyle relay kasama sina Isis Arnaldo, Joanna Cervas at Tricia Princillo at tanso naman sa 50m breaststroke.

Nagpakitang-gilas din ang 8-anyos na si Dula na lumangoy  ng isang ginto at anim na pilak sa boys’ 8-9 event.

Inangkin ni  Dula ang  ginto sa 50m butterfly habang pumangalawa ito sa 200m freestyle, 50m backstroke, 100m butterfly, 200m freestyle relay at 200m medley na  kasama sina Cabral, Joey Del Rosario at Robby Loy.

Samantala,  umukit  ng dalawang ginto at apat na pilak si Cabral para makatabla si Dula sa nasabing karangalan.

Hinirang na kampeon  si Cabral sa 50m freestyle at 100m butterfly. (MRM)

50M

ACIRC

ANG

CABRAL

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

DULA

IMMACULATE HEART OF MARY COLLEGE

INDIAN OCEAN ALL STAR CHALLENGE

ISIS ARNALDO

JOANNA CERVAS

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with