^

PM Sports

Pacquiao lalaban ngayong taon?

DM - Pang-masa

Huwag kayong magugulat kung mas maaga ang magiging pagbabalik sa boxing ring ni Manny Pacquiao.

Sinabi ni Top Rank Inc. chief Bob Arum na maganda ang ginagawang pagpapagaling ni Pacquiao sa kanyang kanang balikat na napinsala habang naghahanda sa kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr. noong Mayo.

Sinabi ni Arum kay Joe Habeeb ng Thaboxingvoice.com na nagulat ang mga therapists ni Pacquiao sa mabilis na pag-recover ng Filipino boxing star sa kanyang rehabilitasyon.

 “He sent us a video and the therapists are stunned at his progress,” wika ng veteran promoter na si Bob Arum.

Inasahan ni Arum na matatagalan sa pagpapa-galing ng kanyang injury si Pacquiao.

Ngunit sinabi ng kanyang mga therapists na posibleng makabalik sa aksyon ang fighting congressman bago matapos ang taon.

“They said he could be back at the end of this year,” sabi ni Arum kay Pacquiao.

Nauna nang nadismaya ang Top Rank boss sa kabiguan ni Pacquiao na seryosohin ang kanyang rehabilitasyon at tinawag na “not an active fighter” ang Filipino boxer.

Sinabi ito ni Arum matapos indiyanin ni Pacquiao ang kanyang appointment kay Los Angeles surgeon Neal ElAttrache para sa isang follow-up check-up sa kanang balikat niya.

Tiniyak naman ni Pacquiao kay Arum na hindi niya pinababayaan ang kanyang sarili.

Sa pagbabalik sa aksyon ni Pacquiao ay maari niyang labanan si WBO light welterweight champion Terence Crawford, ayon kay Arum.

Maaari ring sagupain ng General Santos City-based southpaw si British star Amir Khan sa Dubai.

AMIR KHAN

ANG

ARUM

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER JR.

GENERAL SANTOS CITY

JOE HABEEB

KANYANG

LOS ANGELES

PACQUIAO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with