^

PM Sports

Sorela nagpakilala

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa isang iglap ay naipakilala ni Micole Sorela ang kanyang sarili.

Inagaw ni Sorela ang inbound pass ni Earl Scottie Thompson na nagresulta sa kanyang dalawang free throws para itakas ng five-peat champions na San Beda Red Lions laban sa Perpetual Help Altas ang  83-81 panalo at solohin ang No. 2 sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawang charities ni Sorela ang nagbigay sa Red Lions ng 83-79 bentahe sa huling 5.3 segundo na tumiyak sa kanilang pangatlong sunod na ratsada ka­sabay ng pagpapalasap sa Altas ng ikalawang dikit nitong kamalasan.

Nakakuha naman ng foul si Thompson kay Sorela sa three-point line ngunit dalawang free throws lamang ang kanyang naikonekta.

“Both teams came prepared and unfortunately, only one team has to come out a winner,” wika ni San Be­da rookie coach Jamike Jarin.

Tumapos si Sorela na may 15 points, 10 rebounds at 4 assists para sa Red Lions na nakahugot kay Arthur Dela Cruz at Nigerian import Ola Adeogun ng double-double.

Humakot si Dela Cruz ng 25 points, 17 rebounds at 6 assists habang si Adeogun ay kumolekta ng 11 mar­kers at 13 boards.

Si 6’8 Nigerian reinforcement Bright Akhuetie ay kumamada ng 25 points, 16 rebounds at 6 steals at nagdagdag si Thompson ng 20 points, 5 assists, 4 rebounds at 2 steals sa panig ng Perpetual.

Samantala, ipinagpatuloy ni Tey Teodoro ang kanyang pagpapasikat nang kumamada ng 21 points, 8 rebounds at 3 steals sa 67-49 paggiba ng Jose Rizal Heavy Bombers sa St. Benilde Blazers para itaas sa 4-2 ang kanilang kartada.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Heavy Bombers ni mentor Vergel Meneses at nilimita­han ang Blazers sa ikala­wang pinakamababang point output ngayong sea­son.

Ang season low ay ang 47-67 kabiguan ng Emilio Aguinaldo College sa Jose Rizal noong Hulyo 17.

ACIRC

ANG

ARTHUR DELA CRUZ

BRIGHT AKHUETIE

DELA CRUZ

EARL SCOTTIE THOMPSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HEAVY BOMBERS

JAMIKE JARIN

RED LIONS

SORELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with