^

PM Sports

Dellavedova tinanggap ang qualifying offer para bumalik sa Cavs

Pang-masa

CLEVELAND — Nakagawa ng paraan si Matthew Dellavedova para makabalik sa Cavaliers.

Pumirma nitong Lunes si Dellavedova, naging  postseason hero ng Cavs nang magkaroon ng injury si All-Star guard Kyrie Irving ng $1.2 million contract para sa susunod na seasaon.

Siya ay naging restricted free agent at bagama’t kinuha ng Cavs si Mo Williams nitong summer para maging backup ni  Irving, inalok pa rin ng Cavs si Dellavedova dahil sa kanyang energy off the bench.

Tinanggap ni Dellavedova ang qualifying offer ng Cavs at maaari siyang maging unrestricted free agent sa susunod na summer kapag tumaas na uli ang salary cap.

Kumita siya ng $816,000 noong nakaraang season.

Naging starter si Dellavedova sa 13 games sa re-gular season, ngunit mas lumaki ang role niya sa playoffs dahil humina si Irving bunga ng injuries.

Samantala, nakipag-trade ang Cleveland sa Portland para kina forward Mike Miller at center Brendan Haywood upang lumuwag ang salarycap at makatipid sa luxury-tax.

Matagal nang hina-hanapan ng Cavs ng trade si Haywood na may mag-e-expire na $10.5 million contract at nakasundo nila ang Blazers na makakakuha naman ng dalawang second-round picks sa Cleveland.

ANG

BRENDAN HAYWOOD

DELLAVEDOVA

HAYWOOD

IRVING

KUMITA

KYRIE IRVING

MATAGAL

MATTHEW DELLAVEDOVA

MIKE MILLER

MO WILLIAMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with