Milo Champ Moves inilunsad
MANILA, Philippines - Nakipagsanib-puwersa ang Nestle Philippines, Inc. sa Department of Education at inilunsad ang Milo Champ Moves, isang nationwide school-based program na naglalayong hikayatin ang six million elementary students ng 10,000 schools sa healthy at active lifestyle sa pamamagitan ng sports at physical fitness.
Si Nestle Philippine, Inc. chairman Suresh Narayanan mismo ang naglunsad ng Milo Champ Moves kahapon sa Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong.
“We hope that, throught the Milo advocacy, we shall be able to continue to make a difference in the lives of our Filipino school children who are our country’s hope for the future,” sabi ni Narayana.
Sinabi naman ni Sherilla Bayona, Nestle business executive na nais nilang maabot ang milyon pang batang estudyante. “Our initial target is to encourage six million children in 10,000 schools this year and 50 million in 2018,” ani Bayona.
Dumalo rin sa event si Ateneo star Kiefer Ravena bilang ambassador ng programa ng Nestle na ang target ay ang mga estudyanteng 7-12 gulang para turuan ng kahalagahan ng physical activities at maayos na nutrisyon.
Ang Champ Moves program ay nasa ilalim ng One Child, One Sport campaign na inilunsad ng Milo noong nakaraang taon sa tulong ng Department of Education para hikayatin ang mga kabataan sa physical activities.
“Through this program, we aim to reach out to more schools and students, enabling them to start living an active and healthy lifestyle whether on or off the court,” sabi ni Bayona. “By adding an element of fun through these sports-themed dance steps, we aim for students to see Champ Moves as something to look forward to.”
- Latest