LeBron pinarangalan ng mga taga-Akron
AKRON, Ohio – Maaaring hindi maidagdag ni LeBron James ang isa pang NBA MVP trophy sa kanyang koleksyon ngayong taon.
Ngunit mayroon siyang award na maaaring mas mahalaga pa sa NBA MVP trophy.
Pinarangalan ang Cavaliers superstar, nagbalik sa Northeast Ohio matapos ang apat na seasons sa Miami, ng kanyang hometown sa kanyang leadership, pagbibigay inspirasyon sa kabataan at pagkakawanggawa.
Ibinigay kay James ang H. Peter Burg Award sa Greater Akron Chamber annual meeting na idinaos sa Goodyear Hall, dating tahanan ng Akron Wingfoots na isang professional basketball team noong 1930s.
Ang award, ipinangalan sa namayapang chairman ng FirstEnergy, ay taunang ibinibigay sa isang business o community leader na nagsilbi bilang role model at nakatulong sa local at economic development.
Si James ay hindi nakalimot sa kanyang pinanggalingan kahit na hinirang bilang isa sa mga top athletes sa buong mundo.
Nakapagtatag ang 30-anyos na si James ng ilang youth-related programs sa Akron at ang LeBron James Family Foundation ay nakatulong sa mga school kids sa pamamagitan ng kanyang “I Pro-mise’’ at “Wheels For Education’’ programs.
Nakasama ng kanyang mga anak na sina LeBron Jr. at Bryce, nagbigay si James ng acceptance speech kung saan niya pinasa-lamatan ang pamilya ni Burg.
“This award is not mine,’’ sabi ni James. “It’s this city’s. It’s these kids. I refuse to let you guys down.’’
- Latest