^

PM Sports

Perlas asam ang gold sa SEAG

Pang-masa

MANILA, Philippines – Determinado ang Philippine national women’s basketball team na makopo ang kauna-unahang gold medal sa Southeast Asian (SEA) Games na idaraos sa Singapore ngayong June.

Sa kabuuan ay mayroon nang walong silvers at limang bronze ang Pinas sa 16 pagtatanghal ng women’s basketball sa SEAG sapul noong 1977.

Itinalaga si Pat Aquino na maging coach ng women’s squad, pinangalanan ng Perlas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Search and Selection Committee kasabay ng pagnonombra kay Tab Baldwin bilang kapalit ni Chot Reyes sa Gilas.

Mahigit isang buwan na nagpa-tryout si Aquino at may tinatayang 50 players ang sumipot. May natitira na lamang na 15 ngunit inimbitahan sina Danica Jose ng Ateneo, Clare Castro ng FEU at Tricia Piatos ng La Salle.

Noong Sabado, dinala ni Aquino ang 15-woman pool sa Kuala Lumpur para sa apat na tune-up games laban sa Malaysian national team, state selection at Kuala Lumpur club.

Tinalo ng Perlas ang state selection, 101-29  at tabla ang two-game series kontra sa Malaysian national squad, matapos manalo sa 67-53 at matalo sa 82-77. Uuwi ang koponan ngayon.

“When we come back from Kuala Lumpur, we’ll still have about two months to train for the SEA Games,” sabi ni Aquino, naghatid sa NU women’s varsity sa makasaysayang unang UAAP senior championship sa pamamagitan ng 16-0 sweep ngayong season. “We’ll do a lot of drills to familiarize the players with our system.  We want a running team. We’ve got small but very talented players and our bigs are capable of defending against the 6’3 and 6’4 players of Thailand.  We’ll get a preview of the SEA Games at the SEABA Championships in late April or early May.”

ACIRC

ANG

AQUINO

CHOT REYES

CLARE CASTRO

DANICA JOSE

KUALA LUMPUR

LA SALLE

NOONG SABADO

PAT AQUINO

PERLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with