^

PM Sports

Hindi kontento si Martinez

Pang-masa

MANILA, Philippines - Puwede sanang idahilan na lang ni Michael Martinez para di sumali sa World Figure Skating Championships sa Shanghai na may masakit sa kanya pero kahit na may mga nararamdaman siya ay itinuloy niya ang pagsali para magkaroon ng mahalagang karanasan  tungo sa kanyang asam na kumopo ng medalya sa 2018 Winter Olympics sa Pyeongchang.

Kabilang ang 18-an-yos na si Martinez sa 24 qualifiers sa freeskate makaraang magtapos bilang 22nd sa short program noong Biyernes.  Siya ay pang 21st overall sa kabuuang 30 skaters mula sa 21 bansa makaraang magtapos bilang 20th sa freeskate noong Sabado.  Ang kanyang total score ay 192.38 points.  Ang gold medalist na si Javier Fernandez ng Spain ay may 273.9 points.  Ang defending champion na si Yuzuru Hanyu ng Japan ay may 271.08 points para sa silver habang ang bronze medalist na si Denis Ten ng Kazakhstan ay may 267.72 points.

Kinumpleto ni Martinez ang kanyang 4 minute, 30 second freeskate sequence sa musika ni Andrew Lloyd Webber na “Phantom of the Ope-ra” na walang deduction.  Nakakuha siya ng 10.23 score sa mahirap na triple axel at double toe loop combination. Mayroon siyang 6.61 points para sa interpretation at 6.57 para sa performance/execution.

“I’m glad I was able to finish my freeskate program without falling,” sabi ni Martinez.  “However, I’m not content with my performance because I know I can do better.”

ACIRC

ANDREW LLOYD WEBBER

ANG

DENIS TEN

JAVIER FERNANDEZ

MICHAEL MARTINEZ

NBSP

PHANTOM OF THE OPE

WINTER OLYMPICS

WORLD FIGURE SKATING CHAMPIONSHIPS

YUZURU HANYU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with