^

PM Sports

Santiago-Manabat kauna-unahang PSL Player of the Week

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos pangunahan ang Petron sa impresibong simula sa Philippine Superliga (PSL), pinili ng PSL Press Corps si Dindin Santiago-Manabat bilang kauna-unahang Spurway-PSL Player of the Week.

Dahil sa presensiya ni 6-foot-2 Santiago-Ma-nabat, nagawang igupo ng Blaze Spikers ang Philips Gold, 25-16, 25-18, 25-23, sa opening noong March 21 na sinundan nila ng 25-18, 26-24, 20-25, 25-19 panalo laban sa Foton noong Linggo sa Biñan, Laguna para sa 2-0 simula sa All-Filipino Conference ng prestihiyosong inter-club women’s volleyball tournament na ito.

Tinalo ni Santiago-Manabat ang kanyang teammate na si Rachel Anne Daquis at ang Tornadoes rookie na si Nicole Tiamzon para sa weekly citation na igagawad ng bagong tayong PSL Press Corps na suportado ng Spurway Enterprise.

Ang dating National University standout ay may 10 attacks, dala-wang service aces at isang block para magtapos na may 13 points sa pagdodomina ng Blaze Spikers sa Lady Slammers kahit wala si Daquis na ‘di nakapag-laro dahil may kaila-ngang asikasuhin.

Matapos mahirapan sa Foton na nanalo sa third set, muling gumana ang mga kamay ni Santiago-Manabat sa fourth set  para tulungan ang Petron na manati-ling  malinis ang record.

Umiskor siya ng 20 sa kanyang 23 points mula sa spikes, dala-wang service aces at isang block.

“She picked up where she left off last conference,” sabi ni Petron coach George Pascua, patungkol sa dating top overall pick na tumulong sa Blaze Spikers na makopo ang PSL Grand Prix title noong nakaraang taon. “We’re still in the early stage of the season and a lot of things could still happen. Hopefully magtuluy-tuloy pa ang magandang performance ni Dindin.”

ACIRC

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG

BLAZE SPIKERS

DINDIN SANTIAGO-MANABAT

FOTON

GEORGE PASCUA

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

PETRON

PRESS CORPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with