Best Center sa Caloocan High
MANILA, Philippines – Ilalapit ng Best Center ang kanilang award-winning na basketball clinic sa masa sa pagdaraos ng mga klase sa Caloocan High School simula sa Abril 8.
Ang Wednesday at Sa-turday classes, itinataguyod ng Milo, ay tuwing alas-8-11 ng umaga para sa mga estudyanteng nasa Preparatory Levels 1, 2 at 3.
May Ateneo classes din tuwing Lunes at Huwebes para sa Preparatory Levels 1 hanggang 6.
Bubuksan ng University of Perpetual Help ang kanilang basketball classes para sa Levels 1 at 2 (12-years old and up) sa Abril 6-30.
Sa Starmall sa Alabang idaraos ang Levels 1-4 sa Abril 7 hanggang Mayo 1 tuwing Miyerkules at Huwebes, habang ang Amoranto Sports Complex ang mamamahala sa Levels 1-4 sa nasabi ring petsa.
Ang Abril 8 hanggang Mayo 2 ay nakareserba para sa mga estudyanteng naka-enrol sa pang Miyerkules at Sabado na klase sa Malate Catholic School para sa Levels 1-4.
Sa Xavier School idaraos ang Levels 1-3 tuwing Miyerkules at Sabado at ang Sunday classes ay gagawin sa Lancaster New City para sa Levels 1 at 2.
Inihayag din ni Best Center founder at president Nic Jorge, isang dating national player at coach, ang pagsisimula ng volleyball clinics sa Abril 6 hanggang 30 tuwing Lunes at Huwebes sa Starmall Alabang.
Tuwing Martes at Huwebes sa Abril 7 hanggang Mayo 2 idaraos ang volleyball clinics sa Ateneo at sa Malate Ca-tholic School.
Sa Abril 8 hanggang Mayo 2 tuwing Miyerkules at Sabado, nakatakda ang clinics sa University of Perpetual Help-Las Piñas.
Para sa mga detalye ay maaaring tumawag sa 411-6260 at sa 372-3065/66 o mag-email sa [email protected] at bisitahin ang Facebook: best center sports inc.
Ang Best Center ay isang Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame awardee at tumanggap ng Philippine Olympic Committee (POC) Olympism Award.
- Latest