Phl athletics team isasalang ng PATAFA sa Singapore Open
MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang paghahanda ng pambansang atleta sa track and field ngayong linggo sa pagpapadala ng PATAFA ng 20 panlaban sa 77th Singapore Open Track and Field Championships.
Mangunguna sa koponan si Marestella Torres na maghahangad na kunin ang ikalawang sunod na gintong medalya matapos magwagi sa Philippine Open sa lundag na 6.47-meters.
Ang iba pang kasama sa kababaihan ay sina Katherine Khay Santos (100m/long jump), Riezel Buenaventura (pole vault) at Narcisa Atienza (heptathlon).
Babandera sa kalalakihan sina Christopher Ulboc, Archand Christian Bagsit at Jesson Ramil Cid na siyang nagdedepensang kampeon sa SEA Games sa 3000-m steeplechase, 400m run at decathlon.
Ang iba pang kasama ay ang dating SEAG champion sa steeplechase na si Rene Herrera, Jose Unso (200m), Edgardo Alejan Jr. (400m), Junrey Bano (400m), Joan Caido (400m), Wenlie Maulas (800m), Patrick Unso (110m hurdles), Clinton Kingsley Bautista (110m hurdles), Ernest John Obiena (pole vault), Julian Reem Fuentes (long jump), Benigno Marayag (long jump), Mark Ramil Cid (triple jump) at Janry Ubas (decathlon).
Si PATAFA secretary-general Reynato Unso ang mangunguna sa delegasyon habang sina Lerma Gabito, Sean Guevara, Nixon Mas, Emerson Obiena at Luisito Artiaga ang mga coaches.
Aalis ang delegasyon bukas para mapaghandaan ang 2-araw na kompetis-yon sa Abril 4 at 5. (AT)
- Latest